Sabado, Agosto 23, 2014

Ang Sinaunang Kabihasnan :)

SA aking palagay ang Sinaung Kabihasnan o Sinaunang Sibilisasyon ay ang mga naitatag ng sinaunang mga tao noong panahon .. kabilang dito ang Sumeryo sa Mesopotamya, ng mga Akadyano, ng mga Asiryo, ng mga Babilonyo, ng sinaunang Ehipto, ng sinaunang Indiya, ng Lambak ng Indus, ng sinaunang Tsina, ng sinaunang Persiya, ng sinaunang Gresya o kabihasnang Heleniko at marami pang iba .. Sa ating makabagong panahon ay tinatawag na iong SINAUNANG SIBILISASYON .. dahil sa iniisip ng mga tao na Nagdaang taon pa bago dumaan ang 500AD ..Tumanda o naging sinauna ang kabihasnan kahit na sa loob ng panahon ng itinuturing ngayon ng makabagong mga tao bilang sinaunang mga kapanahunan.





SA aking tingin ay talagang nag bago ang kanilang pamumuhay dahil sa ang mga tao ay natuto ng magtanim , maglayag o mangisda man .. At ang iba ay nag aalaga na ng mga hayop .. Nagtatanin ng OASIS ang mga taong nakatira sa disyerto ,, Ang Sinaunang Kabihasnan ay mga sinaung kultura natin noon na kadalasan ngayon ay wala na .. Ang mga tao noon ay talagang malikhain ..  



SA aking palagay ay talaga namang matalino at maparaan ang ating mga ninunu ..Maparaan sapagkat namuhay sila ng matiwasay at may masaganang buhay .. May makakain sa araw araw , magagaling umukit ng mga disenyo o magpinta man .Matiyaga silang Gumagawa at dahil doon ay nagkakaroon sila ng kaalaman sa mgan bagay bagay . Sa atin ngayon marami ng nalalamang mga bagong bahay .. Nakakapaglikha ng na bagay . SA ating pang araw araw na buhay ay marami na tayong natutuklasang mga bagong kaalaman sa mga bagay man o sa ating buhay .. kaya ako ay hangang hanga sa ating mga ninunu .. :)



      


Sabado, Agosto 16, 2014

Ang Aking Impresyon sa Digmaan sa Gitnang Silangan



 KRISIS SA GITNANG DIGMAAN  ! ! !

Maraming tao ang gustong  mapatalsik ang tikdator ng Tunisi at Eygpt . . Dahil siguro sa mali nitong pag papalakad sa bansa , Sa aking tingin madaming tao ang nahirapan  sa kanilang pamumuhay dahil sa krisis na nangyari . At madaming taong namatay dahil sa pagpapahirap . . Pahirap ng pahirap ang kanilang buhay , Mga bata man ay naguguluhan , na dapat ay di nila nararanasan . ! ! 



 PAGKAMATAY NG MGA TAO ! ! ! 

Marami talagang mga taong namatay dahil sa digmaang nangyari sa Gitnang Silangan . . Sa aking palagay napaka daming pamilya ang mga nagluksa , inabuso ang mga mamamayan sa bansang ito . Marahas ang nangyaring digmaan sa aking tingin , namatay sila dahil may roon silang pinaglalaban handa nilang itaya ang kanilang buhay makamit lang ito , madami pang nadadamay na buhay . . wala ng magawa ang kanilang pamilya kundi ang tanggapin ang pag kamatay ng kanilang mahal sa buhay . ! ! :(





ARMAS NA GINAMIT SA DIGMAAN ! ! ! !







Sa aking palagay kaharasan ang pagtatapos ng digmaan .. Armas na nagtapos ng maraming
buhay ng mga tao. Napaka hirap siguro ng kanilang pamumuhay at katakut takot na araw ang darating pa .. Salit salitan ang mga bomba na hinahagis , palitan ng mga putok ng 
ng kanilang mga armas o baril .   Halos ang mga mamamayan ay hindi na lumalabas ng kanilang tahanan para lang hindi madamay dito . Marahas ang paglalabanan. . . . . .  :((((


SANA PO AY ITIGIL NA NILA ANG KANILANG GINAGAWA DAHIL MARAMI NA ANG NAMAMATAY AT NASASAWI  . . .  :( :(  ! ! !
ITO PO ANG AKING IMPRESSION SA NANGYAYARING KAGULUHAN SA GITANG SILANG ASYA :(

Tunisia at EgyptTY
Tunisia at Egypt
Tunisia at Egypt
Tunisia at Egypt

Sabado, Agosto 2, 2014

Iba't ibang uri ng Anyong Lupa sa Asya

BULUBUNDUKIN ;

- o hanay ng mga bundok . pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may habang umaabot sa 2414 kilometro o 1,500 milya . Ang Hindu-kush ( AFGHANISTAN) , Pamir ( PAKISTAN, AFGHANISTAN TAJIKISTAN , AT KYRGYZSTAN ) , Tien shan ( HILAGANG ASYA ) , Ghats ( TIMOG ASYA ) , Caucasus ( AZERBAIJAN , GEORGIA RUSSIA, AT ARMENIA ) art ang Ural ( KANLURANG ASYA ) ay ilan din sa mga bulubundukin ng asya . 

BUNDOK ;


Ang bundok (Ingles: mountain, mont katawagang pang-heograpiya, at mount isa pang katawagang pang-heograpiya ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.
Tinatakpan ng mga bundok ang 54% ng Asya, 36% ng Hilagang Amerika, 25% ng Europa, 22% ng Timog Amerika, 17% ng Australia, at 3% ng Aprika. Sa kabuuan, bulubundukin ang 24% ng lupain sa Daigdig. Nakatira ang 10% ng tao sa mga rehiyong bulubundukin. Nagmula sa mga bundok ang karamihan sa mga tubig sa ilog, at mahigit sa kalahati ng sangkatauhan ang umaasa sa mga bundok bilang pinagkukunan ng tubig.

BULKAN ;





Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing pagputok. Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).
Kadalasang matatagpuan ang bulkan sa dalawa o tatlong plato na naghiwalay o nagdikitan. Isang mid-oceanic ridge, katulad ng Mid-Atlantic Ridge, ay mayroong mga bulkan na nabuo dulot ng paghihiwalay ng mga plato; ang Pacific Ring of Fire ay mayroong mga bulkan na nabuo dulot ng pagdidikit ng mga plato. Hindi naman nabubuo ang mga bulkan sa pagdulas ng ng mga plato (tulad ng San Andreas fault). Maaari ring mabuo ang isang bulkan kung maging payat ang balat ng lupa (tinatawag na "non-hotspot intraplate volcanism"), katulad ng African Rift Valley, ang European Rhine Graben sa mga bulkan nito at ang Rio Grande Rift sa Hilagang Amerika. 
TALAMPAS ;



- Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa  ay ang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin bilang pantayaninbakood, at bakoor. Ang Tibetan Plateu na itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong myndo na may sukat na ( 1, 600 talampakan ) at tinaguriang ' ROOF OF THE WORLD ' ay nasa asya . Ang talampas ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng INDO-GANGENATIC PLAIN, ay kilala rin.

DISYERTO ;


- Ang disyerto ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato. Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa Gitnang silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw ng ulan at hindi karaniwang tinataniman. Ang Gobi Desert na syang pinakamalaki sa asya at pang - apat sa buong mundo , ay isa lamang mga disyertong matatagpuan sa asya . Makikita din dito ang mga disyrto ng TAKLAMAKAN, KARA KUM, at mga disyerto sa IRAQ, IRAN, SAUDI ARABIA at INDIA .

KAPULUAN O ARKIPELAGO ;



Ang kapuluan o archipelago ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng PilipinasHaponIndonesia at Nagkakaisang Kaharian.
 Ito rin ay isang pangkat ng mga pulo na marami sa asya tulad ng INDONESIA , ang pinakamalaking ARCHIPELAGIC STATE sa buong mundo na binubuo ng mahigit kumulang na 13, 000 mga pulo , ang PILIPINAS at ang JAPAN. 

PULO ;



-  Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.
Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal. Ito ay umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat ng mga pulo sa asya at kabilang dito ang CYPRUS, ANDAMAN, SRI LANKA, MALDIVES, BORNEO, TAIWAN, at maraming marami pang iba.
TANGWAY O PENINSULA :
Ang isang tangway o tangos peninsulacapepromontory ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.
Ang peninsula o tangway ayisang masa ng lupain na halos buong-buong naliligiran ng tubig. Ito ay nakausli sa karagatan ng asya . Tinatayang nasa tatlong milyong milya kwadrado ang sukat nito . ilan sa mga ito ay ang mga bansang , TURKEY , ARABIA, INDIA, KOREA.

KAPATAGAN ;



- Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.
Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain, mas madaling magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva Ecija,Pampanga at Bulacan. Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang mga gulay. Sa kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay may malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan, mais at palay. Sagana naman sa abaka, papaya, mangga, tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng Negros,Davao, Cebu at Iloilo.


MGA URI NG GRASSLANG SA ASYA :

TUNDRA ;


- Sa pisikal na heograpiya, ang tundra isang biyoma (biome) kung saan pinipigilan ang paglago ng mga puno ng mababang temperatura at maikling panahon ng paglago. Isa itong rehiyong hindi na tinutubuan ng punongkahoy. Nagmula ito sa hangganan ng kapa ng yelo at linya ng puno ng mga rehiyong artiko. Nagmula ang katawagang tundra mula sa Kildin Saming tūndâr, nangangahulugang "tuyo na kapatagan, walang kahoy na kasukatan ng bundok." May dalawang uri ng tundra: Artikong tundra (na mayroon din sa Antartika) atpang-Alpes na tundra.

STEPPE ;

- Ang steppe hango sa Russian sa heograpiyang pisikal ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe ay ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy namang prairie sa Hilagang Amerika.

TAIGA ;

ang pinakamalaking biome sa mundo, na matatagpuan sa bandang timog ng tundra sa patigan ng 50°N at 60°N latitude; may mga mahahaba at malalamig na mga taglamig,precipitation sa pagitan ng 35 cm at 100 cm bawat taon,mga punong evergreen na nagbubunga ng cone, at mga makakapal na kagubatan.

RAINFOREST ;

- Ang maulang gubat (rainforest sa Ingles) ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan. Ang pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya sa 1750–2000 mm (68-78 pulgada). Ang monsoon trough, mas kilala bilang intertropical convergence zone, ay may malaking papel na ginagampanan sa paglikha ng mga tropikal na maulang gubat ng Mundo.
Mula 40 hanggang 75% ng lahat ng uri sa Mundo ay katutubo sa mga maulang gubat. Tinatayang milyon-milyong mga uri ng halaman, kulisap at mikroorganismo ang hindi pa natutuklasan. Ang mga tropikal na maulang gubat at tinatawag na "Hiyas ng Mundo" at "ang pinakamalaking parmasya", dahil sa dami ng mga likas na gamOt na natuklasan dito.Ang mga mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28% ng lahat ng oksiheno ng mundo, sa pamamamagitan ng potosintesis mula sa karbong dioksido.
Ang halamang tumutubo sa silong ng kagubatan sa mga maulang gubat ay natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng araw sa antas ng lupa. Dahil dito ay posibleng maglakad sa loob ng kagubatan. Kung ang tabing ng mga dahon ay nasira o nabawasan, ang lupa ay kaagad tinutubuan ng mga makapal na mga baging, palumpong, at maliliit na mga punong matatawag bilang isang kasukalansa Ingles. May dalawang uri ng maulang gubat, ang tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.

SAVANNA ;


 - Isang malawak na sukat o lagay ng antas ng lupa na sakop ang paglago ng halaman na karaniwang matatagpuan sa isang mamasa-masa lupa at mainit-init na klima, - bilang damo o mga damo, - ngunit salat ng mga puno. ito ay isang uri ng lupain na pinagsamang damuhan at kagubatan .savanna ay isang lupain na mas marami ang mga damo kesa mga puno.Ito ay tinawag ding "grassland ecosysytem".

PRAIRE ; 



- ay isang anyo ng maluwang na kalatagan ng lupa kung saan matatagpuan ang damuhan; likas at hindi pa ito natatamnan, hindi tulad ng mga nasaka o sinasaka nang mga bukirin. Bagaman may mga damo, walang mga punong-kahoy sa kalawakan nito. Nakakapamuhay sa mga parang ang mga ahasang praire ay may mga damong namumuhay na malay malalim ang ugatmataba ang lupa at maraming mga gulay at prutas ang pwedeng itinda.

PACIFIC RING OF FIRE :



Ang Pacific ring of fire ay tumutukoy sa mga lugar na kung saan ay nakararanas ng palagiang paglindol at pagsabog ng bulkan na nagsasanhi ng paggalaw ng mga lupa at mga sa mga nasabing lugar. Ang mga bansang nakapaloob sa Ring of Fire ay ang mga bansang maraming mga bulkan at kadalasan nagkakaroon ng paglindol. bilog na apoy ng pasipiko Ang ring of fire ay nabuo dahil sa mga batong umaapoy na galing sa pinakamalapit na bulkan dito.Ito ay hugis sing-sing kaya ito tinawag na ring of fire. 
Ang pilipinas kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong asya pasipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay RING OF FIRE o CIRCUM -PACIFIC- SEISMIC- BELT ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan , kasama na ang mga BULKANG MAYON, PINATUBO, TAAL at KRAKATOA. Ang pagsabog na mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o pagalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig. tinatayang 81% ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito. Sinasabi noon araw paman bago maisukat ang kasaysayan, ang karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig ay hinubog at binigyang porma ng buko sa pagalaw ng tectonic plates na nagpabitak at nagpaangat sa ilang bahagi ng lupa, ay dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan. 

KONTINENTE NG ASYA

Ang KONTINENTE NG ASYA ay may iba't ibang klima tulad ng tag-init, tag-ulan ,tag-lamig at kung minsan ay taglagas. Ang klima ay tumutukoy sa karaniwang panahon na nararanasan sa isang mahabang panahon ang temperatura ng lugar ay ang ulan at hangin ilan-lamang ito sa elementong nakapaloob sa klima at hindi natin agad itong masasabing climate change kung mayroon tayong pinagbabatayan. Ang lokasyon ng isang lugar, impluwensya ng topograpiya, dami o uri ng halaman at lapit olayo ng isang lugar sa araw .

ECOLOGICAL BALANCE ;
-  Ito ay ang pagkakaroon ng balanse sa ating paligid.. halimbawa, balanse ang bilang ng puno na magsusupply sa atin ng oxygen. ngunit, pag nawala ang ecological balance, hal. naubos ang mga puno dahil sa labis na deforestation, at tuloy parin ang paglaki ng populasyon, mawawala ang ecological balance at ang s epekto nito ay kokonti an oxygen supply at dadami nag carbon content ng hangin